Wednesday, May 9, 2007

Mga paalala hinggil sa summer camp 07

Mga kasama,

Tulad ng ating napag-usapan na itutuloy na lang natin ang ating camp pagkatapos na lang ng eleksyon.Ito ay nakaschedule na sa May 19- 29. Siguro sa mga panahon ito mayroon na kayo nalikom na pera para sa inyong registration at pamasahe sa ating camp.Ang pamasahe pala from Cubao to NV ay Php.315. Ang mga manggagaling sa south ay inaasahan magsasabaysabay na pupunta sa NV. Ang bawat chapter ay magdadala ng kanilang mga banner/flag na may sukat na 1yard x 1yard na may logo ng YA at sa baba niya ay pangalan ng kanilang chapter at ang background ng tela ay white para uniform dahil yan ay gagamitin natin sa foot parade sa May 24 sa pinagyaman festival parte ng ating pakikiisa sa pagdiriwang ng pinagyaman festival ng NV.Sa May 22 ng gabi ay Gabi ng Arte, Sining at Kultura so inaasahan tayo na makapagpresent ng ating mga cultural arts ng ating mga probinsya kaya kailagan ang bawat probinsya ay makapaghanda na rin ng kanilng mga presentation at kailagan may custom para kaaya-aya.

Paalala pala sa May 7 na ang deadline ng submission ng mga provincial reports, activity photos kung mayron at yung mga local donors dahil nasa process na kami ng lay-outing ng ating souvenir program. Gayundin yung mga pangalan ng mga kalahok sa camp at paki-indicate na rin ang kanilang mga size ng kanilang mga t-shirt.At kung may mga paglilinaw makipag-ugnayan na lang sa Camp Director kay Joseph, sa ating Sec-Gen o kaya sa akin.

Maraming salamat at kita-kita na lang sa May 19!!

Cecilio Ver B. Panambo
Pambansang Pangulo

1 comment:

Unknown said...

ANG GANDA NG DESIGN NG TSHIRT! MAY INSPIRASYON BA MULA SA "MAGDALO" ANG PAGKAGAWA NITO? pwede ring paalala ng maaaring panalo ni trillianes sa senado...

sana may kumpletong dokumentasyon ang camp, at ebalwasyon para magamit sa paghahanda sa susunod na camp. me directory ba ng pax ng lahat ng camps?

kita kits sa weds, mga kasama!

congrats!