Ang Boto ng Kabataan: Boto para sa Kalikasan
Tungkulin ng kasalukuyang henerasyon na pangalagaan ang kalikasan para sa kanilang mga anak at mga susunod pang salin-lahi. Karapatan ng bawat kabataang Pilipino na magmana ng bansang may luntiang kabundukan, malinis na ilog, at sariwang hangin.
Ngayong eleksyon, nawa itaguyod at pangalagaan ng bawat botante ang karapatan ng mga kabataan na magmana ng Pilipinas na may malusog at mayabong na kalikasan. Ngayong eleksyon, isa sa mga kumakandidato para sa Senado ay si Ginoong Mike Defensor. Noong Kalihim ng DENR si Ginoong Defensor, isa siya sa mga pangunahing nangampanya para sa pagpasok ng mga dayuhang korporasyon para magmina sa Pilipinas. Noong siya ay Kalihim ng DENR pinayagan niya ang muling pangangahoy sa kabundukan ng Samar; para bang kay dali niyang nalimutan ang trahedya sa Ormoc at sa Quezon.
Ang ‘mining’ at ‘logging’ ay dalawa sa mga pangunahing sanhi ng pagkasira ng kalikasan. Sa mga kilos niya noong siya ang pinuno ng DENR, ang ahensiya ng Gobyerno na dapat pangunahing nangangalaga sa kalikasan, at maging sa mga kilos niya sa kasalukuyan ay mapagtatanto natin na si Ginoong Defensor ay hindi nagmamalasakit sa kalikasan. Sa kanyang pagsusulong ng ‘mining’ at ‘logging’ ay mababatid natin na hindi nalalaman ni Ginoong Defensor ang kahalagahan ng kalikasan. Sa kanyang pagwawalang-bahala sa kalikasan ay malalaman natin na si Ginoong Defensor ay hindi nagmamalasakit sa kapakanan at karapatan ng mga kabataan.
Sa mga kapwa naming kabataan, suriin nating mabuti ang mga kandidatong tumatakbo ngayong eleksyon. Huwag agad tayong maniniwala sa mga nagsasabing sila ay ‘para sa kabataan.’ Hindi dahil sila ay mas bata sa karamihang kandidato ay isusulong na nila ang kapakanan nating mga kabataan. Tungkulin nating ipaalala sa mga kandidato na mahalaga para sa ating mga kabataan ang pangangalaga sa kalikasan.
Sa lahat ng mga botante, nakikiusap kaming mga kabataan na huwag ninyong iboto ngayong eleksyon si Mike “puTol” Defensor. Si Mike Defensor ay ang “walking puTol king.” Sama-sama tayo sa pangangalaga sa kalikasan, sama-sama tayo sa paglaban sa mga sumisira sa kalikasan.
SA MGA KASAMA KO SA PRRYA:
Ano ang pagtingin ninyo sa statement na ito? Susuporta ba tayo sa kampanya laban kay MIKE? MAGBIGAY NG INYONG MGA COMMENTS SA ARTIKULONG ITO.
Sa kasalukuyan ay dumadalo tayo sa mga pulong ng Kontra Mina Youth Consortium para palakasin ang ating kampanya at pakikiisa laban sa mga iligal na pagmimina. Ang kampanya laban sa mga iligal na pagmimina ay isa sa mahalagang konteksto ng ating 5th summer camp kaya mahalaga ang inyong mga pagtingin dito.
Ang inyong SG
No comments:
Post a Comment