Friday, September 12, 2008

2009 Camp Site 1

Ito po ang mga kuhang larawan sa Palm Resort, Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte, isa sa mga target camp site ng 2009 summer camp. Kung sa kalsada ka dadaan, mga 40 minutes na biyahe pa ito mula sa bayan ng Daet at kailangan may sarili kang sasakyan dahil walang pampasahero na bumibiyahe dito. Ang ibang option ay pwedeng sumakay ng bangka mula sa bayan ng Mercedes papunta sa Barangay Manguisoc, mga 10 minuto lang ito, pagkatapos ay sasakay ng tricycle papunta ng palm resort na aabutin din ng mga 15 minuto ang biyahe. Sa inisyal na pakikipag-usap namin sa management ng resort, ibibigay sa atin ng 25,000 ang venue sa loob ng sampung araw kasama ang dalawang kuwarto, mga patubig, kuryente, at session hall.



White sand po dito!

No comments: