Monday, September 22, 2008

Ifugao PRRYA Orientation and Re-organization

Mga Kasama,

Magandang araw sa lahat!

Matagumpay na nairaos nuong Sabado ang pag-orienta at pagreorganisa sa Ifugao tsapter ng YA. May 27 na tayong karagdagang miyembro- ang core group ng tsapter. Tinitingnan din natin ang pag-oorganisa ng sub-chapters sa tatlong hayskul at isang kolehiyo, sa isang probinsyal na organisasyon, at sa mga OSYs.

Ang tagumpay na ito ay hindi makakamtan kung hindi sa malaking tulong na binigay ng PRRM at PRRYA National. Ang Ifugao tsapter ay nagpapasalamat, unang-una kay Sir Tolits Gonzales, Chairperson ng PRRM-Ifugao, sa kanyang mahalagang suportang moral at pinansyal. Siya din ang isa sa mga speakers nung Sabado, tumalakay sa climate change. Pangalawa, malaking pasasalamat din kay Ka Choi ng Nasyonal sa kanyang pagpunta at sa kanyang mga presentasyon na nagpamulat sa mga kabataang Ipugaw. Sana palakasin pa kayo ng tadhana!

Ang nabuhay at nagising na tsapter ay gagawin lahat ng makakaya upang mapalakas ang kilusan at makapagpaimplemento ng mga edukasyonal na gawain at mga programa. Nakaiskedyul na rin ang LPEY dito sa Oct. 30-31, sem-break ng mga mag-aaral dito na hayskul at kolehiyo. Asahan din nyo ang pagsali namin sa project grant competition.

Ito na muna. Less talk, more action ika nga, hehe... Ako ay magbabalita ulit pag may mahalagang pangyayari dito sa tsapter.

Sumasainyo,
Armand N. Camhol
Chairperson, PRRYA-Ifugao



No comments: