Wednesday, October 31, 2007

LPE Workshop sa Camarines Norte


Totoo nga ang kasabihang "Next time! babawi kami....". Pinatunayan ito ng mga kabataang lider-organisador-edukador sa Camarines Norte. Sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Mantagbac ay nakapagsagawa sa pangalawang pagkakataon ng Life Planning Education Session sa Cams. Norte. Ito ay nilahukan ng 38 kabataan galing sa ibat-ibang purok ng barangay. Karamihan dito ay mga out of school youth subalit may mga pangarap na makapagtapos ng pag-aaral kahit hanggang sekondarya. Ang lahat ng gastusin sa workshop na ito ay mula sa pondo ng SK ng Brgy. Mantagbac dahil sa mahusay na pakikipagnegosasyon ng mga PRRYA members sa Cam Norte. Ang programang LPE ay suportado ng DILG ng Cams Norte at ng butihing Mayor. Sa katunayan ay binisita pa nito ang mga bata para bigyan ng ilang mensahe sa kahalagahan ng mayroong plano sa buhay. Inaasahan din na sa mga susunod na buwan ay tatlong barangay pa ang magsasagawa ng katulad din na gawain. At ang pinakamahalaga sa lahat, ang Camarines Norte ang kauna-unahang nakapagsagawa ng lokalisasyon ng LPEY na isa sa mga layunin ng programa. Mabuhay ang mga lider-organisador-edukador ng Camarines Norte.

No comments: