Ang proyektong Life Planning Education for the Youth ay matagumpay na isinagawa sa Quezon noong February 17 - 18, 2007.
Ganap na nag-umpisa ang Life Planning Education (LPE) ng alas 9:30 ng umaga sa pamamagitan ng isang panalangin na ginampanan ng participant na meyimbro ng PRRYA QNAS Chapter na si Kasamang Jonathan Alano na sinundan ng National Anthem na ginampanan ni kasamang Joy Malugao meyimbro ng PRRYA QNAS Chapter. Pagkatapus nag karoon ng opening remarks sa pamamagitan ng tagapag padaloy ng programa na si kasamang Joey de Chavez na patungkul sa mga inaasahan ng mga participant tungkol sa LPE na ginamitan ng meta card at pagsasabi ng house rules na kilangan ang cellphone ay naka silent mode at kung maari ay dapat naka patay during the discussion. At bilang isang kabataan na namumuno ipinakita ni kasamang Ver Panambo Pangulo ng PRRYA National ang mga usapin ng mga kabataan na may ka-ugnayan sa Health,Livelihood, Education at Governance atbp na existing na nagyayari ngayon sa lipunan. Matapus ang pagpapahayag ng kalagayan ng kabataan sa lipunan ang lahat ng participants ay nagkaroun ng gawain na “The Envisioned Self My Picture” at lumabas ang mga pangarap ng mga participants sa pamamagitan ng drawing at karamihan ay kuniktado sa Prudukto ng Agrikultura ang lahat ay gusto na magkaroun ng farm. At bilang bahagi upang makamit ang mga pangarap kinakailangan na Makita natin ang ating mga kahina-an at kalakasan para magkaroun tayo ng tamang giya. At sa kadahilanan na ang mga kabataan ang siyang pag-asa ng bayan kung kayat kailangan ma educate tungkul sa mga lider ng ating bansa. Lalo na sa dayaan ng election na mismong ang mga participants ay nag sagawa ng roll play na may halung dayaan tungkol sa pagboto.
Pagkatapus nito si kasamang Choy Secretary General ng PRRYA National ay gumamit ng Human Pie upang Makita ng mga participants kung ga-ano kalaki ang time na nagugul nila sa kanilang ginanagawa sa Pamilya, Kaibigan School ,atibp. at pagkatapus nito nag karoun ng workshop tungkul sa kung ano na ako pagkatapus ng sampung taon. Na ang lahat ay nakapag pakita sa mga nais nila pagkalipas ng sampung taon. At ito ay sinumpaan nila sa pamamagitan ni ka Amor.
By: Alan Alpay
No comments:
Post a Comment