Thursday, November 9, 2006

Trip 2 Bacolod


Ang simula ng biyahe
Ang pakikilahok sa sama-samang pagkilos laban sa kahirapan o “Stand Up Against Poverty” ang naging pamasahe natin upang makasakay sa biyahe ng mga organisasyong pangkabataan na nagsusulong ng sustinableng pag-unlad tulad ng Youth for Sustainable Development Assembly (YSDA). Ang YSDA ay isang alyansa ng ibat-iang organisasyong pangkabataan na nakatuon ang programa at adbokasiya sa pagpreserba ng ating kapaligiran. Isa sa kanilang programa ang taunang Kamp Kalikasan na halos kapareho ng ating taunang summer camp. Bilang preparasyon sa ating susunod na summer camp, napagkaisahan na may dumalo mula sa ating organisasyon para mag-obserba at kumuha ng mga ideya sa mas organisadong pagpapatakbo ng camp. Hindi naging madali para sa atin ang makadalo sa Kamp K dahil sa wala tayong sapat na pondo, mabuti na lang at may mga sumagot ng ating gastusin. Ang MFO ay sinagot ang ating airfare, ADCO naman sa registration fee, at ang PACKARD para sa local transportation, terminal fee at meal allowance. Maraming salamat sa lahat ng mga ito.

PRRYA sa Kamp Kalikasan
Hindi na rin bago sa atin ang ilang mga aktibidades na ginawa sa Kamp K. Sa unang araw, may mga talakayan sa maayos na pagpapatakbo ng organisasyon, mga adbokasiya at pagkilos na nag-aambag sa sustinableng pag-unlad, mga stratehiyang pagpapalano ng mga programa, at talakayan sa “green principle”. Ang isang magandang bahagi ng Kamp Kalikasan ay ang bahaginan ng mga buhay karanasan mula ibat-ibang organisasyon na ginawa sa ikalawang araw. Mas naglaan ng mahabang oras sa ganitong uri ng diskurso. Ibinabahagi dito ang mga paraan at estratehiya na kanilang isinasabuhay para sa patuloy na pagpapalakas na kanilang organisasyon. Ang isa pa sa nakaagaw ng aking atensiyon ay ang malinaw na dokumentasyon sa paglatag ng kanilang mga gawaing pang-komunidad at pang-organisasyon. Sa ikatlong araw tree planting at hike sa pitong waterfalls ng Mt. Kanlaon at walang humpay na paliguan sa naggagandahang falls. Sa araw ding ito ay nagkaroon kami ng pagkakataong makipag-usap sa ilang mga magsasaka ng negros oriental tungkol sa sustainable agriculture at local movement focus on forest conservation. Siyempre sa bawat gabi, hindi nawawala ang umpukan na siyang mas nagpalalim sa samahan ng bawat organisasyon.

Alyansa
Sa kabila ng lahat ng gastusin, ang Kamp Kalikasan ang isa sa naging dahilan para tayo ay maging kasapi ng Youth for Sustainable Development Assembly. Maaari na tayong makipag-ugnayan sa kanila para ibat-ibang pagpaplano at mga gawain ng ating organisasyon lalo na sa mga programang pang-kapaligiran. Ang mga miyembrong organisasyon din ng YSDA ay maaari tayong matulungan para sa patuloy na pagpapapalakas ng ating organisasyon.

Ang hamon sa PRRYA
Ang YSDA ay may planong magsagawa ng International Youth Camp sa Mt. Isarog, Naga City, at dahil sa kasapi na tayo at tayo lang ang organisasyong mayroong PRRYA chapter sa Camarines Sur, nagkaroon na inisyal na pag-uusap ang YSDA at PRRYA para sa pagtutulungan sa ikatatagumpay ng proyektong ito.

mabuhay tayong lahat!


choy

No comments: