Thursday, March 13, 2008

6th Summer Camp

Naghahanda na ang mga lider ng ibat-ibang probinsiya para sa gaganaping 6th Summer Camp sa Alabat, Quezon Province. Ang theme ngayong taon ay "Sulong Kabataan, Hangad Natin Ito! Tapat na Pinuno, Tapat na Pamumuno". Ito ay inaasahang maisasagawa ngayong darating na Abril 20 - 30, 2008 na lalahukan ng lahat ng chapter ng PRRYA. Nakapaloob sa camp ang ibat-ibang kasanayan sa paghuhubog ng isang lider - kabataan tulad ng Basic Course on Sustainability at Organizational Management and Development. Mayroon ding mga oyentasyon sa napapanahong issue tulad ng Climate Change, Solid Waste Management, at Adolescent Reproductive Health. Ang mga kalahok ay makakaranas din ng community immersion sa 3 barangay ng Alabat para magsagawa ng Coastal Clean up, Mangrove Planting at mag-organisa ng mga kabataan. Sa lahat ng interesadong sumama sa 6th Summer Camp ay makipag-ugnayan sa pamunuan ng PRRYA o tumawag sa Tel. Nos. 415-5422.

No comments: