Thursday, April 19, 2007

Update sa Summer Camp

Mga kasama,

Ang ating Summer Camp ay di matutuloy ngayon April 19-30.Sa kadahilanang, Una, ang ating host province at ang NV chapter (Vice Mayor) ay kinapos sa paghahanda lalo na si Vice-Mayor ay tatakbo ngayong Eleksyon. Pangalawa ay marami sa mga kasama natin ay hindi pa nakakakuha ng kanilang pamasahe at pambayad sa kanilang mga registration. Kaya minabuti na ng Pambansang Pamunuan na di ito ituloy move lang at gawin na lang pagkatapos ng eleksyon.Ito ang naging rekomendasyon ng mga liders na nag-usap noong beyernes.Sa pag-uusap wala pang na set na exact date pero probably mga 3rd week nitong Mayo at magkakaroon ng pagbabago sa mga activites.Ang official date ay ipapa-alam na lang namin pagtatapos ng pag-uusap namin nila Vice-Mayor at ng mga YA natin sa NV pupunta ako kasama si choy at joseph.

So ang inaasahan namin sa National ay kailangan makapaghanda na tayo ng ating mga kaperahan total may time pa tayo para maghanap ng kaparahan.At sana makasabay na din kayo sa ating teleconferencing may schedule tayo this week pero wala pang exact na araw text ko na lang kayo kung kelan.
maraming salamat!

VER
Pambansang Pangulo

No comments: