Saturday, April 14, 2007

Ang unang YA Teleconference

Naisakatuparan din sa unang pagkakataon na gamitin ang information technolgy para sa pagpapalakas ng daluyan ng impormasyon ng mga lider-kabataan ng PRRYA. Ang unang teleconference ay nagsimula ng ika 4:00 ng hapon hanggang 6:00 ng hapon, April 14, 2007. Ang mga pasimuno sa teleconference gamit ang yahoo ay sina ver panambo, may pado, sheng alido at choy nazareno. Pinagusapan sa teleconference ang pagbabago ng schedule sa gaganapin 5th summer training camp. Sa halip na ito ay ganapin sa April 18 - 30, 2007, ito ay napagkaisahan na mare-schedule sa pagitan ng May 18 - 30, 2007 dahil sa kakulangan ng preparasyon ng lahat ng chapters. Inaasahan na sa susunod na teleconference ay makakadalo na ang iba pang mga lider. Para sa mas detalyadong impormasyon bisitahin ang prrya egroups prrya_national@yahoogroups.com

Ang inyong SG

No comments: